Nagbigay si Pangulong Rodrigo Duterte ng 24 oras para sumuko ang mga pinangalanan niyang umano’y sangkot sa iligal na droga.
Pinare-report ng Pangulo ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng pulis at military kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa.
Nagbanta si Pangulong Duterte na kapag hindi tumalima ang mga nasa listahan na kanyang isinapubliko, uutusan niya ang hukbong sandatahan na tugisin ang mga ito.
Aniya, mayroon silang pagkakataong magpaliwanag sa korte.
By: Avee Devierte