Posibleng ma-isyuhan ng warrant of arrest ng Court of Appeals (CA) at makulong ang mga opisyales ng Sto. Niño Parochial School kung patuloy na iwi- withhold ng nasabing paaralan ang certificate of good moral character ni Krisel Mallari.
Ayon kay Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Persida Rueda Acosta, magpapasok ngayong araw ng panibagong mosyon ang PAO sa CA para ma-compel ang Sto. Niño Parochial School na sundin ang kautusan ng hukuman.
Matatandaang nagpalabas na ng writ of preliminary injunction ang Court of Appeals 2nd Division na nag-aatas sa Sto. Niño Parochial School na bigyan ng certificate of good moral character si Mallari.
“Kahit na meron na silang kopya, may kopya yung abogado niya, talagang ayaw pa rin nila, ang sabi ko TRO na ‘yan mandatory injunction, eh puede silang ma-warrant of arrest ng korte kapag hindi sila sumunod.” Paliwanag ni Acosta.
Tatalima
Handa namang tumalima ang Sto. Niño Parochial School-Quezon City sa kautusan ng Court of Appeals na mag-issue ng Certificate of Good Moral Character sa highschool salutotorian na si Krisel Mallari.
Ayon kay Atty. Maritonie Renee Resurreccion, abogado ng Sto. Niño Parhochial, hihintayin muna nila ang CA resolution upang mabatid kung ano ang magiging susunod na hakbang lalo’t nakabinbin ang kaso sa Quezon City Regional Trial Court.
Binigay naman aniya nila kay Mallari ang lahat ng kanyang transfer credentials alinsunod sa batas subalit tila mahirap para sa paaralan na maglabas ng good moral character matapos ang mapanirang speech ng estudyante noong graduation.
Si Mallari ang batch 2015 salutatorian na nagsiwalat ng mga iregularidad sa grade computation nang banggitin niya ito sa kanyang graduation speech na pinigil naman ng mga school official.
By Mariboy Ysibido | Ratsada Balita | Drew Nacino