Handa ang mga organizers ng 30th South East Asian Games (SEA Games) sakaling magkaroon ng aberya dahil sa pagpasok ng bagyong ‘Kammuri’ sa bansa.
Ayon kay Philippine Olympic Committee President at Cavite Representative Bambol Tolentino, mayroon silang inihandang contingency plan oras na tumama ang mga kalamidad.
Aniya, handa silang magsagawa ng rescheduling kung sakaling kailanganing ikansela ang mga outdoor events.
Samantala, umaasa pa rin ang kongresista na hindi makakaapekto ang pagdaan ng bagyo sa mga sport events ng SEA Games.