Mahigpit na tinututukan ng Deparmtent of Health (DOH) ang sitwasyon sa mga ospital na apektado ng magnitude 6.9 na lindol sa tumama sa Davao Del Sur at naramdaman sa iba’t ibang panig ng Mindanao, kahapon, ika-15 ng Disyembre.
Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na nagpapatuloy ang assessment at validation ng DOH kasabay ang pagkukumpleto sa listahan ng mga ospital at iba pang pasilidad na napinsala ng lindol.
Subalit ipinabatid ni Cabotaje na nagkaroon ng minor damages sa Malungon Rural Health Unit sa Saranggani –batay sa kanilang nakuhang report.
May napaulat ding mga pasyente na inilabas mula sa Davao Del Sur Provincial Hospital at nananatili muna sa ilang tents ang mga pasyente.
Ayon pa kay Cabotaje, isa rin sa priority ng DOH ang mga pasyente lalo na ang mga buntis o mga ina na nanganak at kanilang mga sanggol, mga nakatatanda at may mga mabibigat na sakit.
Tiniyak din ni Cabotaje na handa ang DOH na tumulong sa mga nabiktima ng lindol.