Binalaan ng isang mambabatas ang mga ospital na hindi magpapasakop sa implementasyon ng Universal Health Care (UHC) Law.
Ayon kay Anakalusugan Rep. Mike Defensor, maituturing na isang krimen ang hindi pakikibahagi ng mga ospital sa UHC dahil maraming pilipino partikular ang mahihirap na maaring makinabang nito.
Kaya’t tila pananabotahe aniya ang gagawin ng mga ospital na hindi susunod dito at dapat lamang silang mapatawan ng karampatang parusa o ipagharap ng kaso.
Dagdag pa ni Defensor, para mas magkaroon ng pangil ang pagpapataw ng parusa sa mga ospital na hindi susunod, handa aniya siyang magpasa ng resolusyon para dito.
Una rito, nagbanta ang nasa 600 private hospitals na hindi magrerenew ng accreditation sa PhilHealth dahil sa hindi nabayarang claims na aabot sa P2.5B.