Minura ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin ang mga ospital na umano’y naniningil para sa personal protective equipment (PPE).
Sa Twitter post ni Locsin kaniyang inilabas ang galit sa mga ospital na sinisingil umano sa mga pasyente ang ginamit na PPE ng mga health workers gayung karamihan naman sa mga ito ay donasyon.
Una rito, sinabi na ni Dr. Rustico Jimenez ng Private Hospitals Association na mayroon ngang mga pribadong ospital ang naninigil sa mga PPE sa halagang P1,800 hanggang P2,000 kada set.
Ngunit iginiit ni Jimenez na hindi dapat isama sa mga sisingilin ang mga donasyong PPE o hindi naman binili ng ospital.