Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opital sa bansa na tatangging tumanggap ng mga pasyente lalo na ang mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa pangulo, haharap sa kaukulang parusa ang mga opisyak ng pampublikong ospital na mapapatunayang tumatanggi sa mga pasyente.
Giit ng pangulo, dapat ay mabigyan ng atensyong medikal ng lahat ng pampublikong ospital ang mga pasyenteng nagtutungo sa kanila, anomang uri ng sakit ang meron ang mga ito.
Ginawa ng pangulo ang pahayag na ito matapos aniyang makarating sa kaniya ang balitang isang pasyente sa isang lalawigan ang binawian ng buhay matapos tanggihan ng anim na ospital na kaniyang pinuntuhan.