Halos 6,000 pang doktor at nurses ang kailangan sa mga ospital ng gobyerno.
Ito, ayon kay Health Assistant Secretary Kenneth Ronquillo, ay para matugunan ang ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga dinadapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Ronquillo sa pagdinig ng house committee on civil service and professional regulation na ang pagpapaliban ng licensure examination ng Professional Regulatory Commission nitong Marso at Hunyo ang dahilan ng mababang augmentation ng mga doktor at nurses.
Ipinabatid ni Ronquillo na sa ginawa nilang emergency hiring ng medical professionals noong Abril, 344 lamang mula sa kailangang 882 ang nag-apply sa mga ospital, treatment at temporary monitoring facilities ng gobyerno.