Isang linggo bago ang pagsalubong sa Bagong Taon ay nakaalerto na ang mga ospital sa buong bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH), bilang paghahanda ay itinaas na nila ang code white alert sa lahat ng pampublikong ospital.
Sa ilalim ng code white alert ay naka-standby ang buong puwersa ng mga medical personnel kasama na ang mga hindi naka-duty para rumesponde sakaling kailanganin.
Aabot na sa limang kaso ng firecracker-related injuries ang naitala mula noong December 21 at ayon sa DOH inaasahang tataas pa ang bilang nito habang papalapit ang Bagong Taon.
Pinayuhan ng DOH ang publiko na magsagawa ng tamang first aid sakaling mabiktima ng paputok at agad na pumunta sa ospital.
Paghihikayat ng DOH huwag nang gumamit ng mga paputok at manood na lamang ng community fireworks displays.
—-