Inilagay na sa ‘Code White Alert’ ang mga ospital sa Ilocos Region bilang paghahanda sa magiging epekto ng Bagyong Henry at Gardo na nasa loob na ng bansa.
Ayon kay Dr. Paula Paz Sydiongco, Regional Director ng Department of Health, posible pang itaas sa code blue ang alert level sa oras na isailalim sa state of calamity ang rehiyon.
Sa ilalim ng Code White Alert, naka stand-by ang lahat ng hospital personnel para sa medical at iba pang serbisyo.
Kinakailangan namang mag-report sa tungkulin ang lahat ng hospital personnel kapag isinailalim na sa Code Blue Alert ang Ilocos Region.
Sa ngayon, pagtitiyak ni Sydiongco na sapat ang gamot at relief supplies sa kanilang lugar sa kabila ng naunang pinsala ng Bagyong Florita at magnitude 7 na lindol.