Umaapaw na umano ang mga ospital sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.
Ganito inilarawan ni Dr. Maricar Limpin ng Philippine College of Physicians ang sitwasyon sa mga ospital sa kalakhang maynila sa gitna ng patuloy na pagdami ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Limpin, dahil umaapaw na ang mga pagamutan, hindi na naa-admit pa ang ibang pasyente kundi sa emergency room na nako-confine nang matagal.
Aniya, wala na talagang bakante pa kaya’t nagsisilbi nang ward ang mga intensive care unit (ICU) rooms para lamang may mapaglagyan sa mga pasyente.
Samantala, sinabi rin ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na malapit nang maabot ang high-risk category na 80% health care utilization rate sa Metro Manila.