Nakatuon na ang karamihan ng mga ospital sa Metro Manila sa mga COVID-19 patient sa patuloy na pagbaba ng kaso ng naturang sakit.
Ayon kay Dr. Jonas Del Rosario, Spokesman ng Philippine General Hospital, base sa pinakabagong census, mayroon na lamang 57 COVID cases sa kanilang pagamutan sa 320 beds na nakalaan para sa mga dinapuan ng virus.
Dahil anya sa pagbaba ng COVID cases ay nagkaroon sila ng pagkakataon na buksan ang ibang wards para ma-accommodate ang non-COVID patients.
Bukod dito ay kalahati na rin lamang ang ICU occupancy na isang magandang senyales.
Umaasa naman si Del Rosario na hindi na muling sisirit ang kaso ng COVID-19 upang ma-enjoy ng publiko ang christmas season basta’t may kaakibat na pag-iingat tulad ng pagsusuot ng facemask at pagpapa-bakuna. —sa panulat ni Drew Nacino