Mahigpit na tinututukan ng DOH o Department of Health ang mga pangyayari kaugnay sa naitalang kaso ng Avian H5 bird flu virus sa Pampanga.
Ayon sa DOH, nagpadala na sila ng ilang eksperto sa nasabing lalawigan upang umalalay sa Department of Agriculture o DA hinggil sa isinasagawa nilang imbestigasyon.
Kasunod nito, sinabi ng DOH na kanila namang binabantayan ang posibleng pagpasok sa bansa ng human influenza tulad ng naitala sa Hong Kong at India nitong mga nakalipas na buwan.
Dahil dito, inalerto ng DOH ang lahat ng ospital sa lalawigan ng Pampanga na agad iulat sa kanila sakaling may mga pasyenteng nagtataglay ng kaparehong sakit.
By Jaymark Dagala