Bahagyang napuno ng non-COVID patients ang mga ospital sa Metro Manila.
Ayon kay Dr. Bernadette Velasco, operations manager ng National Patient Navigation and Referral Center, ang mga ito ay may chronic diseases na nagagawa nang makapagpa-checkup dahil sa ulat na patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases sa mga ospital.
Matatandaang noong nakalipas na dalawang taon ay takot ang mga may sakit na indibidwal na magpunta sa ospital dahil sa pag-iwas na mahawaan ng COVID-19.
Nakikipag-ugnayan naman si Velasco sa mga ospital sa ibang rehiyon na gamitin nang husto ang kanilang mga kwarto para malimitahan ang pagpunta ng mga pasyente sa NCR.