Nakataas na ang code white alert sa National Capital Region (NCR) para sa pista ng itim na nazareno sa Lunes.
Inihayag ni Department of Health (DOH) – Metro Manila Center for Health Development Regional Director Gloria Balboa na naka- alerto na ang mga ospital sa NCR para sa posibleng pagdagsa ng pasyente.
Ipakakalat na rin simula ngayong araw ang health emergency response teams sa Quirino Grandstand upang umalalay sa mga debotong makikiisa sa kapistahan.
Umapela naman si Balboa sa publiko na sundin pa rin ang umiiral na health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at hinimok ang mga may sakit na huwag nang pumunta upang maiwasan ang hawahan. – sa panulat ni Hannah Oledan