Puno na ang mga ospital sa Puerto Princesa City dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Mayor Lucilo Bayron, kasalukuyang naka-admit ang 59 na COVID-19 patient sa ospital ng Palawan.
Sa dalawa umanong pribadong ospital ay mayroon lang 14 na kamang nakalaan para sa mga COVID-19 patient.
Sinabi pa ni Bayron na umaabot ng dalawang araw ang paghihintay ng COVID-19 patients bago sila ma-admit sa ospital.
Kasabay nito, nanawagan na rin ang alkalde sa pamahalaan ng dagdag na health workers.