Patay ang 10 bandido habang walo ang sugatan sa nangyaring sagupaan sa Sultan Kudarat.
Ayon kay 33rd infantry battalion commander Lt. Col. Harold Cabunoc, isisilbi sana ng mga pulis at sundalo ang warrant of arrest laban sa ilang bandido sa Sitio Mantisao sa Bual Village nang pagbabarilin sila ng mga armadong kalalakihan.
Isang bandido ang naaresto na kinilalang si Abdul Magid Logioman alyas “Black Moro”, 41 anyos.
Sugatan naman ang sundalong si Sgt. David Desidario ng division reconnaissance company.
Una rito, humiling sa militar ang mga residente ng Barangay Chua na magsagawa ng law enforcement operation sa kanilang lugar dahil sa pananakot na ginagawa ng mga bandido roon.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal