Walang protestang inaasahan ang Pasay City Police sa nasabing siyudad sa buong linggo ng APEC Summit.
Ayon kay Pasay Police Chief Sr. Supt. Joel Doria, walang permit to rally na inisyu ng pamahalaang lunsod ng Pasay sa alinmang grupong nagbabalak na magsagawa ng kilos protesta sa susunod na linggo.
Sakali aniyang may mamonitor silang mga indibidwal na naggu-grupo grupo, kanila itong sisitahin para hindi na magka-gulatan sa bandang huli at upang hindi na maisagawa pa ang kanilang pakay na magdaos ng rally.
Nilinaw naman ni Doria may kani-kaniya silang area of jurisdiction at ang kanyang coverage ay ang MOA, habang ang ibang ground commmander ay nakatoka sa PICC at sa lugar kung nasaan ang mga hotel.
By Meann Tanbio