Inanunsyo ng Department of Transportation na walang bibiyaheng mga Point to Point (P2P) bus ngayong holy week.
Batay sa abiso ng DOTR , ang P2P buses ng HM Transport ay walang biyahe mula March 29 hanggang March 30 o mula Huwebes santo hanggang Biyernes Santo.
Mula naman March 30 hanggang March 31 o Sabado de Gloria hindi papasada ang mga P2P buses ng RRCG
Habang March 29 hanggang March 31 naman walang biyahe ang mga P2P buses ng Froelich tours.