Dadalhin na rin ng Philippine National Police (PNP) sa mga paaralan at mga opisina ang kampanya kontra illegal drugs.
Sa ilalim ng pinaigting na Project Double Barrel Alpha, bibisita na sa mga paaralan at tanggapan ang mga pulis upang hikayating sumuko ang mga drug users at pushers.
Mas tututukan rin ng PNP ang mga celebrities, mga pulitiko at iba pang VIP’s na sangkot sa illegal drug trade.
By Len Aguirre