Labing-limang araw lamang pwedeng gamitin ang mga pampublikong paaralan bilang “Immediate Evacuation Site”.
Ito ang ipinaalala ng Department of Education (DepEd) sa mga lokal na pamahalaan na hindi para sa pangmatagalang tirahan ng mga apektadong pamilya o indibidwal ng anumang sakuna ang mga paaralan.
Anila, nakasaad din ito sa Department Order No. 37 Series of 2022 ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte.
Bingyang-diin naman ng DepEd na hindi na maaaring gamitin ang mga paaralan bilang COVID-19 quarantine at isolation facility.
Ito ay dahil wala nang bisa ang awtoridad na ibinigay sa mga regional director sa ilalim ng Office Memorandum 2020-004 o ang Guidance to Regional Directors for Action Requests by Local Government Units to use DepEd Schools and Engage DepEd Personnel in Activities Related to COVID-19.