Nilinaw ng Department of Education na dumaan sa masusing pag-aaral at konsultasyon kung saan pumasa sa safety assessment ng Department of Health ang mga bagong paaralan na lalahok sa pilot run ng face-to-face classes.
Ayon kay education secretary Leonor Briones, kabilang dito ang 28 paaralan sa National Capital Region na nakatakdang magsimula sa Lunes, December 6.
Aniya, tiwala siya na madadagdagan pa ang mga paaralan na magsasagawa ng pilot testing ng face-to-face classes sa susunod na taon.
Matatandaang umabot na sa 177 ang mga pampublikong paaralan na lalahok sa naturang klase.—mula sa panulat ni Airiam Sancho