Inutusan ng DILG o Department of Interior and Local Government ang mga lokal na paaralaan sa bansa na maging handa sa posibleng epekto ng kalamidad sa bansa.
Ito ay matapos ang sunod sunod na pagpasok ng bagyo sa bansa.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, hindi na dapat hintayin pa ang mga unos bago kumilos.
Dapat aniya ay maging handa sa kahit anong sakuna ang dumating at tumama sa kani kanilang mga lugar.
Dagdag pa ni Malaya, kailangan ay “physically present” ang mga alkalde na namumuno sa local disaster risk reduction sa oras ng kalamidad.
Matatandaang nag isyu ng memorandum ang ahensya hinggil sa pagbyahe ng mga lokal na opisyal kapag may kalamidad sa kani kanilang mga lugar.