Nasa 14 na libong paaralan sa bansa ang nakahanda na para sa face to face classes sa gitna pa rin ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni DEPED Assistant Secretary Malcom Garma, bata sa kanilang assessment ay maaari nang magsimula ang in person classes ang mga naturang paaralan.
Dagdag ni Garma, hindi mandatory ang pagpapaturok ng bakuna para sa mga lalahok sa limited face to face classes na maaari ring piliin ng mga magulang ang distance learning sa mga bata.
Bukod dito, isinusulong din ng kagawaran ang paggamit ng study while gaming method kung saan gagamitin ng mga guro at mag aaral ang online game na minecraft .
Nakatakda namang magsagawa ng early registration sa March 25 hanggang April 30 ang mga pampublikong paaralan ng elementary at highschool para sa susunod na school year.