Posibleng magbukas na ang klase sa lahat ng paaralan sa Batangas na naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal sa ika-3 ng Pebrero.
Inihayag ito ni Education Secretary Leonor Briones matapos na magbalikan na sa kani-kanilang tahanan ang mga pinalikas na residente na pansamantalang nanuluyan sa mga paaralan bilang evacuation centers.
Ayon kay Briones, nasa 78 paaralan ang naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal at 88,000 na mga estudyante.
Sinabi ni Briones na upang makabawi sa mga nawalang araw, papasok ang mga estudyante mula Lunes hanggang Sabado hanggang sa ika-6 ng Abril.
Samantala, tiniyak ni Briones ang tulong para sa mga teaching at non-teaching personnel na naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal.