Nagbukas na ang mga paaralan sa Benghazi sa Libya matapos ang isa’t kalahating taong nagsara ito dahil sa giyera.
Ayon sa mga estudyante, natutuwa sila sa pagbabalik eskwela nila at umaasa silang talagang normal na rin ang sitwasyon sa Libyan City.
Maging ang mga magulang ng mga estudyante ay excited sa pagbabalik paaralan ng kanilang mga anak bagamat nag-home study na rin ang mga bata habang sarado pa ang kani-kanilang mga paaralan.
Magugunitang nagsagupaan ang government forces at mga armadong grupo kabilang ang Jihadists sa nakalipas na isa’t kalahating taon.
By Judith Larino
*Photo from: AFP