Sarado ang lahat ng ‘primary schools’ sa Tehran Province sa Iran bunsod ng malalang polusyon sa hangin.
Ayon sa report, umabot na sa 185 microgrammes pero cubic meter ang ‘concentration’ ng hangin sa lugar.
Mataas ito ng halos siyam na beses kumpara sa ‘recommended maximum’ ng World Health Organization o WHO na 25 microgrammes per cubic meter sa loob ng bente kwatro oras.
Dahil dito, mahigpit na pinapayuhan ng mga awtoridad ang mga matatanda, bata, mga buntis at may mga sakit sa puso na manatili lamang sa kani-kanilang bahay.
Matatatandaang noong 2014, nasa 400 katao sa Iran ang naospital dahil sa problema sa paghinga.
—-