Pinaalalahanan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga paaralan na magbigay ng mga proof of tax exemption kada taon kung ayaw nilang ma-audit.
Sa ilalim ng revenue memorandum circular 24-2016, pinaaalalahanan ang mga non-stock, non-profit educational institution na patunayan ang kanilang mga income tax exemption sa tuwing magpapasa ng kanilang information returns.
Lahat ng asset at revenue ng isang non-earning school ay exempted sa income taxes ng 7.5 percent at 20 percent, depende sa uri ng income.
Ngunit naglabas ng kautusan ang Department of Finance para sa mga eskwelahan na magpakita ng mga BIR documents na magpapatunay ng exemption tuwing panahon ng tax filing.
By Avee Devierte
Photo Credit: AP/Bullit Marquez