Umabot na sa 9,353 pampublikong paaralan ang lumahok sa mas pinalawak na face to face classes.
Ayon kay Department of Education (DEPED) Assistant Secretary Malcolm Garma, 8,972 ang participating public schools habang 381 ang pribadong paaralan.
Nangunguna ang Region 3 sa may pinakamaraming paaralan na may ongoing in-person classes, sinundan ng region 5 at region 9.
Sa Metro Manila, nasa 283 paaralan ang nagbukas ng in person classes.
Mayroon namang limang-libong public at private schools ang nakapasa na sa schools safety assessment tool, at nominado na rin para magpatupad ng in-person classes. – sa panulat ni Abby Malanday