Tinatayang nasa 500 paaralan sa elementarya at sekondarya ang pinayagang magtaas ng matrikula para sa School Year 2018-2019.
Ayon kay Education Usec. Tonisito Umali, nagsumite aniya ng kanilang datos ang anim na rehiyon sa bansa kabilang na ang National Capital Region.
Posible pa aniyang madagdagan ito lalo’t marami pa sa mga rehiyon sa bansa ang hindi pa nagsusumite ng kanilang mga ulat at nakatakda pang pagpasyahan.
Kasunod nito, sinabi ni Umali na dapat patunayan ng mga paaralang humihirit ng umento sa matrikula na kanilang nasusunod ang mga panuntunan para payagan silang makapagtaas ng singilin sa mga estudyante.