Inaayos na ng Department of Education (DepEd) ang mga paaralang nasalanta ng bagyo para sa pagbabalik ng full implementation ng face-to-face classes sa Agosto.
Ayon kay Vice President at Education secretary Sara Duterte-Carpio, nag-ikot siya mismo sa mga paaralang nasalanta ng Bagyong Odette sa Bicol.
Dito nagsagawa ng inventory ang Pangalawang Pangulo kung handa na ang mga paaralan sa nalalapit na pasukan.
Maliban sa paghahanda, magsasagawa rin ng counselling ang DepEd tungkol sa pagbabakuna at mental wellness para sa mga batang hindi pa nakakapag in-person classes.
Sa Agosto a-15, inaasahang maglalabas ng guidelines ang DepEd para sa pagbubukas ng klase.