Unti-unti nang ipamamahagi ng pamahalaan ang mga natapos na pabahay para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa bagyong Yolanda noong 2013.
Kasabay ng paggunita sa ika-anim na taon ng mapaminsalang bagyo, sinabi ni Cabinet Secretary at Inter Agency Task Force Head Karlo Nograles na hindi na nila aantaying makumpleto pa ang kabuuan ng pabahay para sa mga Yolanda victims.
Kapag may 20 o 30 anya na pwede nang matirhan ay agad na itong ipamamahagi sa mga beneficiaries upang may maayos silang masilungan.
Hanggang noong katapusan ng July ay nasa mahigit 120,000 bahay na ang natapos ng National Housing Authority (NHA) at mahigit sa 57,000 na ang nai-turn over sa mga beneficiaries.