Paiimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga barangay captain at mga alkaldeng may mataas na antas ng iligal droga sa kanilang nasasakupan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na kasama ito sa napag-usapan sa pulong ng gabinete sa harap na rin ng all-out-war ng administrasyon laban sa iligal na droga.
Ayon sa kalihim, nakatakdang maglabas ang Palasyo ng memorandum para sa mga alkalde at barangay captains para sagutin kung bakit tila naging inutil ang mga ito sa pagsawata sa pagkalat ng iligal na droga sa kanilang mga lugar.
Plano rin ng gobyerno na magtayo ng mga regional rehabilitation centers para sa mga lulong sa ipinagbabawal na gamot.
Kinukulang na ang mga rehabilitation centers sa Metro Manila dahil sa dami ng mga sumusukong drug addicts at drug pushers dahil sa takot na maitumba o mapatay.
By Aileen Taliping (Patrol 23)