Pinakakastigo ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao ang mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait dahil na rin sa naging kapabayaan nito kaso ng Pinay OFW na si Joana Demafelis.
Ayon sa mambabatas, tila pinatunayan lamang aniya ng mga opisyal sa embahada ang pagiging inutil ng mga ito nang hindi agad umaksyon sa sandaling mabatid nila na nawawala na ang OFW.
Giit ni Casilao, dapat maparusahan ang mga pabayang opisyal ng Embahada ng Pilipinas saan mang panig ng mundo upang hindi na maulit pa ang kahalintulad na kaso ni Demafelis sa kamay ng mga amo nito sa Kuwait.
Hindi lamang kasi aniya sa Middle East nakararanas ng pang-aabuso ang mga OFW’s kung hindi maging sa iba pang mga bansa at lalong nadiriin sa mga ito ang mga hindi dokumentadong Pilipino.
DWIZ Patrol Reporter Jill Resontoc
Posted by: Robert Eugenio