Bagsak sa inspeksyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang 23 pabrika sa paligid ng nasunog na footwear factory ng Kentex Manufacturing Corporation sa Valenzuela City.
Ito ang inihayag ni Pangulong Noynoy Aquino matapos ang inspeksyon ng BFP sa mga pabrika sa lungsod kasunod ng malagim na sunog sa pabrika ng tsinelas sa Barangay Ugong noong Mayo 13.
Ayon sa pangulo, walang pumasa kahit isa sa 23 pabrika at isa sa mga ito ay sobrang dami ng violation kaya pansamantalang ipinasara.
Bubuksan lamang, aniya, ang mga ito sa sandaling itama na ang kanilang mga paglabag na karamihan ay nasa istruktura tulad ng kawalan ng automatic fire detection system, automatic sprinkler system, at protected fire exits.
By Aileen Taliping / Drew Nacino