Sumasailalim pa sa pag-aaral kung magiging mabisa ang pagtuturok ng ikaapat na dose ng COVID-19 vaccines.
Ayon kay Dr. Imelda Mateo ng Philippine College of Chest Physicians, ang mga bansang pinag-aaralan pa ito ay ang; Cambodia, Denmark at Sweden.
Pero hindi pa nalalaman ang resulta nito dahil nagpapatuloy pa ang pagsusuri.
Sa Israel, umabot na sa 500K doses ng bakuna ang naiturok sa kanilang senior citizens, immunocompromised, at mga medical workers para sa 4th dose.
Sa Chile, tanging yung mga 55 ang pinapayagang tumanggap ng ikaapat na dose.
Pinagbatayan sa mga bansang ito ang additional na 30% protection na maaaring makuha mula sa ikaapat na dose.
Dito sa Pilipinas, patuloy pang sumasailalim sa pag-aaral ang pagbibigay ng ikaapat na dose. – sa panulat ni Abby Malanday