Ibinunyag ni PNP Chief Dir/Gen. Ronald Bato Dela Rosa ang planong panggugulo ng CPP-NPA at NDF sa Davao City at iba pang bahagi ng Mindanao.
Ito’y ayon kay Dela Rosa, batay na rin sa mga nakukuha nilang intelligence report matapos bansagang terorista ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga rebelde nang tuluyan na nitong tuldukan ang negosasyon sa pagitan ng dalawang panig.
Binigyang diin ni Dela Rosa, bahagi ng taktika ng mga rebelde ang pag-take sa Visayas upang sadyang ilihis ang atensyon ng mga awtoridad sa kanilang mga nilulutong aktibidad sa katimugang bahagi ng bansa.
Una nang binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang militar at pulisya hinggil sa mga panggugulo ng NPA kaya’y iniutos niya sa mga ito na barilin agad ang mga makikita nilang rebelde na may hawak na armas.