Asahan pa rin ang posibleng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulang dala ng bagyong Paolo sa bahagi ng Viasayas, Cagayan Valley, Ilocos Region, Bicol Region, MIMAROPA at Zamboanga Peninsula.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyong Paolo sa layong 925 kilometrso silangan ng Basco Batanes.
Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging nasa 160 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong aabot sa 195 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyong Paolo patungong hilaga hilagang-kanluran sa bilis na 17 kilometro kada oras.
Samantala, makakaranas naman ng maulap na kalangitan na may kasamang mga kalat-kalat na pag-ulan ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dahil naman sa localized storm.
—-