Tuluy-tuloy pa rin ang pag-ulan hanggang bukas kahit pa nakalabas na ng PAR o Philippine Area of Responsibility ang bagyong Falcon.
Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na makakaranas pa rin ng malakas na pag-ulan ngayong araw dahil patuloy na hahatakin at paiigtingin ng bagyong Falcon ang habagat.
Bukas aniya ay bahagyang mahina ang mararanasang pag-ulan kumpara sa mga nakalipas na araw.
Apektado pa rin ng pag-ulang dulot ng habagat ang Ilocos Region, Cordillera, Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON at Mimaropa.
By Judith Larino