Nagpalabas ng heavy rainfall advisory ang PAGASA sa ilang lugar sa Mindanao dahil pa rin sa epekto ng tail-end ng cold front.
Kabilang sa mga ito ang Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Bukidnon, Misamis Oriental, Lanao del Norte, Davao Region, Compostela Valley, Zamboanga Peninsula at Dinagat Islands.
Ibinabala rin ng PAGASA ang posibleng pagbaha sa mga mabababang lugar at malapit sa mga ilog.
Nakakaranas naman ng pag-ulan ang Misamis Occidental, Sarangani, Basilan, Sulu, South Cotabato, Camiguin at Lanao del Sur.
Samantala, nanawagan din sa publiko ang PAGASA at gayundin sa NDRRMC na gumawa ng mga karampatang aksyon, i-monitor ang panahon, at abangan ang mga susunod na weather advisory.
By Jelbert Perdez