Posibleng sabayan ng buhos ng ulan ang pagbubukas ng klase ngayong araw ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Kasunod ito ng malakas na ulang gumulantang sa maraming lungsod sa Metro Manila at mga karatig lalawigan nitong weekend dulot ng localized thunderstorms.
Kasunod nito, sinabi ni Shelly Ignacio, Weather Forecaster ng PAGASA na bagama’t may umiiral na El Niño sa bansa, nasa transition period na ang bansa mula sa tag-init patungong tag-ulan.
Dahil dito, nagpaalala ang PAGASA sa publiko na magdala ng panangga sa araw o ulan tulad ng payong gayundin ay paghandaan na ang mga biglaang pagbaha sa tuwing bubuhos ang ulan.
By Jaymark Dagala