Posibleng magpatuloy ang mga pag-ulan sa buong linggong ito.
Dala pa rin ito ng habagat na pinalakas ng bagyong Gardo.
Ayon sa PAGASA, kahit pa hindi lumapag sa kalupaan ang bagyong Gardo at makalabas ito ng bansa hanggang Miyerkoles ay magpapatuloy ang mga pag-ulang dala ng habagat.
Sa ngayon ay dala ng bagyong Gardo ang lakas ng hangin na umaabot sa dalawandaang (200) kilometro bawat oras at pagbugsong dalawandaan at apatnapu’t limang (245) kilometro bawat oras.
Kabilang sa mga posibleng makaranas na malakas na pag-ulan ang mga lugar sa Mimaropa at Western Visayas.
Katamtaman hanggang malakas na ulan naman ang posibleng maranasan sa Metro Manila at mga karatig na lugar.
Office of the Civil Defense
Samantala, nakalatag na ang lahat ng precautionary measure ng Office of the Civil Defense o OCD bilang paghahanda sa posibleng epekto ng bagyong Gardo.
Ito, ayon kay OCD Spokesman Edgar Posadas, ay kahit pa hindi mag-la-landfall ang naturang bagyo sa Pilipinas.
Nagsasagawa anya sila ng pre-disaster risk assessment sa lahat ng concerned agencies.
Madaling araw kanina nang pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang nabanggit na sama ng panahon.
—-