Asahan ang mga pag-ulan sa mga susunod na araw.
Ayon sa PAGASA, bagamat hindi papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang typhoon Nangka ay pag-iibayuhin naman nito ang habagat na magpapaulan sa bahagi ng Mimaropa, Metro Manila at CALABARZON.
Huling namataan ang typhoon Nangka sa layong 1,530 kilometro silangan ng Basco Batanes.
Kumikilos ito sa direksyong pa-hilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras at taglay ang lakas ng hanging nasa 150 kilometro kada oras.
Dahil dito, nananatiling nakataas ang gale warning sa karagatan ng northern Luzon at central Luzon maging ang buong eastern seaboards ng southern Luzon.
By Ralph Obina