Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mananatiling aktibo ang kanyang administrasyon sa pagsusulong ng mga programang tutugon sa mga pangangailangan ng mga beteranong nakipaglaban noong panahon ng digmaan.
Sinabi ng Punong Ehekutibo na magpapatayo ang pamahalaan ng mga ospital sa Visayas at Mindanao na ilalaan para sa mga beterano.
Kasabay nito, ipinaalala rin sa publiko ang kahalagahan ng pagsunod sa mga direktiba ng pamahalaan kaugnay sa usaping pangkalusugan.—mula sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)