Nakataas ang code blue alert sa lahat ng ospital sa Region 3 kasunod ng pagsasailalim sa quarantine sa mga Pilipinong mula sa Hubei, China.
Matatandaang mananatili ng 14 na araw ang mga Pilipinong mula sa Wuhan sa New Clark City sa Tarlac.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, nakaantabay ang mga pagamutan sakaling magpakita ng sintomas tulad ng ubo at lagnat ang sinuman sa mga Pilipinong ni-repatriate.
Aniya, sumasailalim sa dalawang beses na check-up kada araw ang mga Pilipino ngunit mabuting wala pang ni isang nagpapakita ng anomang sintomas ng 2019-nCoV ARD.
It means that half of the work force or health work force are on duty at any given time and that we are ready to mobilize more if needed,” ani Domingo.
Samantala, kinalma naman ni Domingo ang lokal na pamahalaan ng Capas, Tarlac kasunod ng kanilang mariing pagtutol na gawing quarantine area ang New Clark City.
Ayon kay Domingo, sa ngayon ay wala pang kasunod na batch ang mga OFW at magde-deploy sila ng medical team sa paligid ng New Clark City para siguruhing hindi mahahawa ng sakit ang mag residente doon.
What we are doing now is to really making sure that to show them there’s no risk for the community, this community is very very far and I’m sure they witness how it happened now that it’s embarking, in transportation from the airport or to the facility talagang walang way naman to expose anybody and of course now there are facilities that are being manned by a team and we are also having our medical workers to go around the communities to assure everybody that there is no risk,” ani Domingo.