Sinalakay ng Criminal Investigation and Detection Group-Anti Transnational Crime Unit ang mga establisimiento na gumagawa ng mga pekeng dokumento sa Recto Maynila.
Ayon kay Senior Superintendent Billy Tamayo, kabilang sa kinumpiska kahapon ang mga printing machine.
Karamihan sa mga pinepeke ang mga driver’s license, birth certificate, diploma, at lahat ng klase ng dokumento na kadalasang ginagamit sa pag-aapply ng trabaho.
Sasampahan ng kasong falsification of public documents ang nagpapatakbo ng pagawaan ng mga pekeng dokumento.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal