Inilatag na ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga pagbabagong isinagawa para sa filing ng certificate of candidacy mula October 12 hanggang 16.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, una na sa mga pagbabago ang pagbabawal nilang sumama ang mga supporters ng kandidato sa loob ng tanggapan ng COMELEC.
Para sa mas mabilis na proseso, hinikayat ni Bautista ang mga kandidato na mag download na ng form sa webiste ng komisyon at kumpletuhin na ito at ipanotaryo bago pa magtungo sa tanggapan ng COMELEC.
Hindi rin anya dapat kalimutan ang picture ng kandidato at ang CONA o Certificate of Nomination and Acceptance.
“Gusto naming i-scan kaagad ang mga certificate of candidacy ng ating mga kandidato at i-popost namin yan sa aming website, one more thing na pagbabagong gagawin namin is yung place of interview, kasi pagkatapos pong mag-file ang nangyayari naku dinudumog na kaagad ng media, so ang gagawin namin, is humanap po kami ng lugar sa Palasyo.” Pahayag ni Bautista.
By Len Aguirre | Kasangga Mo Ang Langit