Asahan ang maraming pagbabago sa unang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, July 25.
Ayon kay Undersecretary Atty. Paula Alvarez, tagapagsalita ng Malacañang, mahigpit na ipagbabawal ang mga bonggang kasuotan at ang dress code ay business attire.
Para sa mga babae naman ay Filipiniana na hindi lalampas sa tuhod at bawal ang bonggang gowns.
Nais ng Palasyo na maging simple ang okasyon at masentro sa talumpati ng Presidente ang atensyon ng mga bisita at publiko, sa halip na ang pabonggahan.
Binigyang-diin ni Alvarez na nais nilang ibalik ang tunay na importansya ng SONA kung saan babawasan ang entourage at ang tanging papayagang sasalubong sa Pangulong Duterte ay ang house speaker, majority leader at minority leader.
Class suspension
Samantala, suspendido ang pasok sa lahat ng antas sa Quezon City sa Lunes, July 25.
Ito’y bunsod ng kauna-unahang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte na gaganapin sa Batasang Pambansa Complex.
Mismong ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ang nag-anunsyo ng class suspension.
Samantala, wala pang inilalabas na security deployment ang Quezon City Police District o QCPD para sa SONA.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)