Hindi na problema ng Pilipinas ang mga banat kay US President Donald Trump kaugnay sa imbitasyon nito kay Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa Amerika.
Inihayag ito ng Malakanyang bilang reaksyon sa editorial ng New York Times na nilalabag mismo ni Trump ang posisyon nila sa demokrasya at human rights nang imbitahan si Pangulong Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, concern ito ng Amerika at hindi ng Pilipinas kaya bahala si President Trump kung paano niya ito haharapin ito.
Hanggang ngayon aniya ay hindi pa opisyal na tinatanggap ni Pangulong Duterte ang imbitasyon ni Donald Trump.
Ayaw ring patulan ng palasyo ang editorial ng New York Times kung saan tinawag ang Pangulo na despotic leader o malupit na pinuno.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping