Muling nagpatutsada ang kampo ni Vice President Leni Robredo kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa anito’y flirtatious joke o ang malisyosong pagbibiro.
Ayon kay Georgina Hernandez, tagapagsalita ng Bise Presidente, dapat tumigil na ang Pangulo sa mga ganitong uri ng pagbibiro dahil sa nakasasakit ito ng damdamin ng lahat ng mga babae.
Kasunod nito, sinabi ni Hernandez na umaasa si Robredo na hindi na mauulit pa ang ginawang pagbibiro sa kaniya ng Pangulo nang kapwa daluhan ng mga ito ang Ikatlong anibersaryo ng super bagyong Yolanda.
Magugunitang naging pulutan ng Pangulo si Robredo makaraang banggitin nito ang hinggil sa binti at tuhod ng Pangalawang Pangulo bilang pang-aliw sa mga nabiktima ng kalamidad.
By: Jaymark Dagala